Kalokohan na naman ng eskwelahan ko ang letseng pagpapakalap ng Signature Campaign para sa hindi pagtuloy ng 'Mining' sa Palawan.
Maganda naman ang hangarin ng proyektong ito, ngunit kung iisipin mo nga naman, bakit kailangang 'sapilitan' ang pagpapakalap nito?
Bigyan mo ba naman ng dalawang papel ang bawat estudyante kung saan mahigit bente (20) ang taong dapat pumirma bawat isa. Hindi ba niloloko na naman natin ang mga sarili natin?
Ang pagpapapirmang ito ay dapat ipinipagawa duon sa mga naghahangad at nakikilahok talaga sa mga bagay na pabor para sa kalikasan.
Ibigay ba namang 'requirement' para sa mga nag-e-NSTP.
Sa dami ng estudyante sa aking eskuwelahan, hindi nga naman ba makakatulong iyon sa sampung milyong (10-M) pirma?
Hindi nga lang ito ang nakita kong palso sa nag-uumpisang 'school-year' kong ito, huli na, hopefully.
Nuong isang buwan, nangalap ng sampung piso (Php 10.00) ang aming student council para diumano sa simbahayan.
Isang proyekto na naman ng eskuwelahan.
Kung iisipin mong mabuti, TAMA BA 'YON??
Ayon sa pagkakabasa ko sa campaign na ito ng aking eskuwelahan, DONASYON daw iyon.
Saan ka makakakita ng DONASYON na kokolektahin ng Treasurer ng klase at meron pang deadline?
Ang galing talaga ng sistema. Hindi ko alam kung nararamdaman ko ito dahil nasa huling taon ko na.
O hindi kaya'y dahil sa lantaran nang pagpapakita ng totoong mukha ng kabalbalan.

Comments